
Noong nakaraang linggo, hindi napigilan ni Alden Richards ang kaniyang saya nang makaharap niya ang kaniyang iniidolo na si Tom Cruise sa isang malaking event sa South Korea.
Sa isang exclusive interview, ikinuwento ng Stars on the Floor host na nagsisilbing isang inspirasyon ang Hollywood actor sa kaniya.
"I have watched all the Mission Impossible films, and I am so impressed with how he takes his craft very seriously, but more importantly, nakita ko siya as a person during that time that I have met him," sabi ni Alden.
Nasaksihan din daw ni Alden kung gaano magbigay ng halaga si Tom sa kaniyang kausap, fans, at co-workers kaya naman lalo itong humanga sa aktor.
Ikinuwento ng Asia's Multimedia Star, "Paglapit ko sa kaniya, I basically told him that my name is Alden Richards, I am an actor from the Philippines and I have been in the industry for 15 years. Can I just say that because of you, I have so much passion for the craft, especially when I do action scenes for different projects. I don't ask for stunt doubles because you do all your stunts.
"Because of you, I wanted to train and to be a reservist pilot for the Philippine Air Force, and because of Top Gun Maverick," dagdag nito.
Nagpasalamat din siya dahil sa inspirasyong naibahagi nito sa kaniya at sa iba pang tao. Hindi nag-atubiling sabihin ni Alden kay Tom na gusto niya itong makatrabaho.
Pagkatapos ng kanilang espesyal na usapan, niyakap siya ni Tom at nag-pose sila para sa isang litrato.
Inamin ni Alden na isa ito sa mga “surreal” moments sa kaniyang buhay.
Pinasalamatan niya ang Paramount Pictures Philippines sa oportunidad na makaharap si Tom dahil matagal na siyang tagahanga ng aktor.
Nagkaroon ng espesyal na moment sina Alden Richards at Tom Cruise sa premiere ng Mission: Impossible - The Final Reckoning sa Seoul, South Korea.
Abangan naman si Alden bilang host ng dance reality competition na Stars on the Floor ngayong June sa GMA.
Samantala, tingnan dito ang mga local celebrities kasama ang kanilang international idols: