
Isa ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa mga dumalo sa “Mayhem” concert ng award-winning singer-songwriter na si Lady Gaga sa National Stadium sa Singapore kamakailan.
Makikita sa social media na in-upload ng Instagram user na si Rence Melgar, na naroon din sa nasabing concert, ang pagdalo ng actress-host sa event suot ang kanyang stunning red outfit.
Ni-repost naman ni Vice Ganda ito sa kanyang Instagram story.
PHOTO COURTESY: rencelopezz, praybeytbenjamin (Instagram)
Bukod day Vice Ganda, dumalo rin ang Filipino drag artist at Lady Gaga impersonator na si Lady Gagita sa naturang concert at nakapagpa-picture pa sa kanyang idol. Labis ang tuwa ng drag performer nang makita sa personal ang kanyang iniidolo.
Samantala, subaybayan si Vice Ganda sa noontime variety show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
TINGNAN ANG VERSATILE FASHION NI VICE GANDA SA GALLERY NA ITO.