
Sisimulan na nina Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo at MUPH 2025 first runner up Winwyn Marquez ang kanilang beauty queen duties kasama ang iba pang reyna.
Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Miyerkules, May 22, magkakaisa ang mga beauty queens para magbigay ng tulong sa women deprived of liberty sa Quezon City Women's Jail.
"It's good that if we get to visit, we get to know their stories and to also give them hope and chance na may mga taong gustong tumulong sa kanila," paliwanag ni Winwyn.
"It would be a good experience for us to do that, so I can't wait," sabi naman ni Ahtisa.
Nabanggit naman ni Miss Supranational Philippines Katrina Llegado na hindi nila ipagkakait sa mga babae sa Quezon City Women's Jail ang kanilang isa pang tsansa sa buhay at patuloy nila itong bibigyan ng suporta.
Samantala, si Ahtisa at iba pang queens ay magiging abala na sa kanilang paghahanda sa kanilang mga international competition.
Ang Sparkle star na si Winwyn at MUPH 2025 2nd runner up Yllana Marie Aduana ay tututok muna sa kanilang mga showbiz career.
Itinanghal bilang MUPH 2025 si Ahtisa at MUPH 2025 first runner up si Winwyn noong May 2 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Panoorin ang buong balita dito:
SAMANTALA, KILALANIN SI MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2025 AHTISA MANALO DITO