
Sinagot na ng T.G.I.S. stars na sina Angelu De Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores ang matagal nang tanong ng mga fans patungkol sa kanilang reunion project.
Ayon sa mga '90s stars sa kanilang pagbisita sa afternoon talk show na Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, June 6, kasado na raw ang kanilang reunion project kasama sana ang yumaong si Red Sternberg.
“Actually, Tito Boy, kaya masakit nga, e, kasi 'yung pag-uwi [ni Red] dito, mayroon talaga kaming pinaplanong reunion project. Hindi pa namin puwedeng sabihin in details, pero mayroon na talaga kasi matagal na 'yan, e,” kuwento ni Michael.
Pagkumpira nito. “Every year, lagi 'yan napag-uusapan. Every reunion, 'pag nagsama-sama kami, kahit kaunti lang kami, mabubuhay na naman ang mga fans, sasabihin nila, 'Please, sana magkaroon na kayo ng reunion project.' This time, mayroon na, e. Mayroon na talagang pinaplano at medyo nasa ilang percent na rin kami.”
RELATED GALLERY: CELEBRITY DEATHS OF 2025
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye ang naturang reunion project ng T.G.I.S. Barkada, ngunit matatandaang nito lamang May 27 ay tuluyan nang namaalam ang '90s heartthrob na si Red Sternberg dahil sa heart attack.
Ani Bobby, “Ayos na lahat ng logistics, lahat ng ano, everything-- that was the reason why he was so excited to come home.”
RELATED GALLERY: STARS NG T.G.I.S., NASAAN NA NGAYON?