TINGNAN: Witty quotes ni "Asian Cutie" Albert Nicolas

Vlogger, endorser at wedding videographer--ilan lamang 'yan sa ginagawa ng tinaguriang “Asian Cutie” na si Albert Nicolas.
Sino ba naman ang hindi matatawa sa mga pamatay na quotes ni Albert tulad na lang ng, “Kung hindi ka nagkakamali may tama ka na” o “lahat ng hangganan may end.”
Nagkaroon din ng chance na mas makilala pa ang celebrity vlogger nang mapanood siya sa 'Eat Bulaga' bilang isa sa choices ng "Bawal Judgmental" noong March 3.
Dito, naikuwento niya na isa siyang wedding videographer at isa sa mga naging event niya ang wedding nina Sheena Halili at Jeron Manzanero noong February 2020.
Naalala tuloy si Maine Mendoza nang una niyang makita si Asian Cutie sa kasal ng kanyang kaibigan.
“Nagpa-picture ako sa kanya! Nung wedding ni Sheena, nakita ko siya gumaganun, nagvi-video. Hindi ako makapaniwala.”
Hirit ni Albert, “Actually, tinanong ako ni Maine, sabi, 'Ikaw 'yung sa Facebook 'di ba?'
“Sabi ko, 'Yes. Gusto mo magpa-picture? [Laughs]'”
Balikan ang panalong hirit ng kilabot ng social media na si Albert Nicolas a.k.a "Asian Cutie” sa gallery na ito.




















