
Aminado si actor-comedian Joey Marquez na napasubo siya sa usapan nila ng anak na si Winwyn Marquez na ibibigay ang kaniyang L'Amarosa painting, lalo na at mahilig umano siya sa paintings.
Matatandaan sa May 15 episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Winwyn ang kahilingan niya sa amang si Joey na ibigay sa kaniya ang naturang painting kapag nanalo siya sa nagdaang Miss Universe Philippines 2025.
Sabi umano ni Joey, kahit mag-top 10 lang siya ay ibibigay niya ang painting, na nalampasan naman ng kaniyang anak nang mag-runner-up ito sa naturang beauty pageant.
“After the coronation night, my birthday, dala-dala niya 'yung painting. 'This is it, anak, this is yours.' And he was so happy na makita niyang may first runner-up sash ako, tuwang-tuwa siya. And du'n ako, sabi ko, I love my parents for raising me the way they raised me,” sabi ni Winwyn.
BALIKAN ANG KUWENTO NI WINWYN NG KANIYANG BUHAY BILANG ISANG BEAUTY QUEEN SA GALLERY NA ITO:
Sa parehong GMA Afternoon talk show nitong Miyerkules, August 6, inamin ni Joey na napasubo siya sa usapang iyon ng anak niya.
“Napasubo ako du'n, e. Kasi sabi ko sa kaniya, 'Win, you've proven already, you won the title already, so why join?' 'I just want to prove myself,' daw, that she can still do it. 'O sige,' sabi ko, 'Mag top 10 ka lang, you get this painting,'” pag-alala ni Joey.
At dahil nga nag-runner-up ang anak, ibinigay ni Joey ang pinakagusto ni Winwyn. Ngunit pag-amin ng aktor, “Umiiyak ako nu'n, binibigay ko sa kaniya. Kasi I love paintings, e.”
Sa huli, ipinahayag ni Joey kung gaano siya ka-proud maging isang ama sa 16 na anak niya, kabilang na sina Winwyn at Zia Marquez, na isa ring artista. Sa katunayan, proud niyang idineklara na magkakaroon na siya ng ikalawang abogado na anak.
Panoorin ang panayam kay Joey rito: