
Ipinagmamalaki ni Kapuso actor Yasser Marta ang simpleng buhay na pinaghirapan niya.
Ipinasilip ni Yasser ang isang araw sa kanyang buhay kung saan dumayo siya sa ipinapatayong bahay kasama ang kanyang nanay.
Ang aktor mismo ang nag-drive patungo sa farm kung saan nandoon ang hindi pa natatapos na bahay.
Bago makarating doon, nagtanghalian muna sila sa isang roadside eatery.
Ongoing pa ang construction pero nakakapamalagi na rin sa property si Yasser.
Madalas siyang umupo sa labas para i-enjoy ang scenery at katahimikan ng paligid.
Naglalakad din siya sa property para makita ang progreso ng iba't ibang projects niya dito.
"Bakit yung iba laging sobra ang gusto? Masaya naman sa simpleng buhay. Ako, kuntento na sa kung anong meron ako. PS: Labyu mama…," sulat niya sa Instagram.
Matatandaang nagpapatayo ng bahay si Yasser sa isang farm property na may humigit-kumulang na 2,000 mango trees.
Ang kanyang tatay na architect ang nagdisenyo ng bahay na kumuha ng inspirasyon mula sa countryside homes sa Europe.
Balak nilang magpatayo ng entertainment room, infinity pool, camping area, at bike trail sa kanilang property.
RELATED GALLERY: Yasser Marta takes on the Kibungan Cross Country adventure