IN PHOTOS: Jennylyn Mercado's funniest tweets

After months of inactivity, nagbabalik sa Twitter ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
Minabuti ng Kapuso actress na magbahagi ng kanyang mga saloobin sa microblogging site tungkol sa mga isyung kasalukuyang hinaharap ng bansa.
Bilang isang public figure, ginagamit ni Jennylyn ang kanyang impluwensya para matulungan ang mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa katunayan, laging trending ang kanyang tweets dahil sa mga matatapang niyang pahayag tungkol sa mga politikal at sosyal na usapin gaya ng ABS-CBN franchise denial, Lumad killings, at higit sa lahat mga suliraning dulot ng COVID-19. Bukod pa rito, ginagamit din ni Jen ang kanyang Twitter account para manawagan ng donasyon para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Mabigat man ang mga binibitawan niyang salita sa Twitter, hindi pa rin nakalilimot si Jennylyn na maghatid ng saya sa kanyang fans sa gitna ng pandemya. Dahil dito, binansagan siyang "bessie" ng kanyang followers dahil sa kanyang relatable at funny tweets.
Sa ngayon, may mahigit 447,215 followers na si Jennylyn sa Twitter.
Tingnan sa gallery na ito ang ilan sa mga kinagiliwang tweets ng Ultimate Star.






















