IN PHOTOS: Kapuso stars na bumida sa 'Cinemalaya'

Sa halos dalawang dekada ng Cinemalaya, marami-raming Kapuso stars na rin ang bumida sa iba't ibang full-length films at short films na itinampok ng film festival.
Isa sa hindi malilimutang pagganap ng isang Kapuso star sa pelikula ng Cinemalaya si Glaiza de Castro, na bumida sa 'Liwayc noong 2018.
Tatlong acting awards ang natanggap ni Glaiza sa kanyang pagganap bilang si Commander Liway, isang political prisoner noong martial law.
Dahil rin sa Cinemalaya nakuha ni Benjamin Alves ang kanyang first-acting nomination para sa pelikulang 'Angkas' na kabilang noong 2022.
Nominado si Benjamin bilang best supporting actor sa Asean International Film Festival and Awards.
Bukod kina Glaiza at Benjamin, kilalanin ang iba pang Kapuso stars na bumida sa pelikula ng Cinemalaya sa mga larawang ito.

















