Marami ang kinilig nang magpakita ng suporta ang aktor sa bagong show ni Jen through his Instagram account. By MICHELLE CALIGAN
Katatapos lang ng Hiram na Alaala ni Dennis Trillo, at ang Second Chances na pinagbibidahan ng kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado ang pumalit sa timeslot nito. Marami ang kinilig nang magpakita ng suporta ang aktor sa bagong show ni Jen through his Instagram account.
In an interview during the press launch of Second Chances, ibinahagi ni Jen na nakatutok siya ngayon sa kanyang trabaho, lalo na't nakakadagdag pressure ang kanyang pagkapanalo bilang Best Actress sa 2014 Metro Manila Film Festival.
“Hindi ko pa alam kung anong pwedeng mangyari pero sa ngayon, ‘yun nga, focus ako sa kung ano man ‘yung.. Kumbaga naka-focus ako sa binigay ng Diyos sa akin,” she shares.