IN PHOTOS: Celebrities na nagpapagawa ng bahay ngayong quarantine

Kabilang sa pinag-iipunan ng mga celebrities ay ang pagbili ng sariling lupa at pagpapatayo ng bahay.
Para naman sa iba, ang pagpapaayos at pagpapa-renovate ng kanilang childhood homes ay ang pinaglaanan nila ng pera at panahon.
Bahay-bakasyunan naman ang ipinatayo ng ibang celebrities para magkaroon ng tinaguriang "home away from home."
Dahil sa COVID-19 pandemic, ilan sa mga ongoing construction ng dream homes ng mga celebrity ang naantala.
Ngunit ang ilan ay mapalad na nakapagpatuloy sa pagpatayo at pagpapagawa ng kanilang bahay mula nang lumuwag na ang quarantine protocols.
Alamin sa gallery na ito kung sinu-sino ang mga celebrities na kasalukuyang nagpapagawa ng bahay sa gitna ng quarantine.





















