GMA Logo Paulo Avelino
Photo by: pauavelino (IG); @mepauloavelino
Celebrity Life

Paulo Avelino posts image of alleged stalkers

By Aimee Anoc
Published February 14, 2026 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Short-handed Wolves pull away from Nuggets, seal series in Game 6
Clubs On Playlist
FPJ Sa G! Flicks: 'Alupihang Dagat' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Paulo Avelino


Ipinakita ni Paulo Avelino ang larawan ng umano'y dalawang stalkers na "kinukunan ng picture at video" ang labas ng kanyang bahay.

Ipinost ng akto na si Paulo Avelino ang picture ng umano'y dalawang stalkers na ilang araw na raw umaaligid sa labas ng kanyang bahay.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) noong Huwebes (February 12), ibinahagi ng aktor ang larawan ng dalawang tao na tila pareho ang kulay ng damit at naka-facemask.

Photo courtesy of Paulo Avelino (X)

"Since ilang araw niyo rin naman na kinukunan ng picture and video yung labas ng bahay namin, okay lang naman din siguro na i-post yung picture niyo para patas lang," sulat ng aktor.

Kasalukuyang mayroong mahigit one million views, 777 reposts, at 330 quotes ang post na ito ng aktor.

Sa comments section, maraming fans ang nagparating ng kanilang pag-aalala para sa aktor.

Related content: IN PHOTOS: Celebrities na nabiktima ng hackers