GMA Logo Icoy Rapadas
Source: Ang Walang Kuwentang Podcast
Celebrity Life

Food content creator Icoy Rapadas, nag-real talk para iwas maging 'backburner'

By Aedrianne Acar
Published June 4, 2026 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

One Western Visayas: June 24, 2026 [HD]
Coach Chot Reyes, sinabing matagal nang ginagawa ang beach training; nanawagang itigil ang espekulasyon
Tablea chocolate, sago't gulaman-inspired cocktails for the rainy season

Article Inside Page


Showbiz News

Icoy Rapadas


Icoy Rapadas: “You were never a decision na kayang niyang panindigan to begin with.”

Backburner ka ba? Itigil mo na 'yan!

Ito ang payo ng sikat na food content creator at vocalist ng bandang Lions and Acrobats na si Icoy Rapadas nang mag-guest siya sa Ang Walang Kuwentang Podcast nina Direk Antoinette Jadaone at You're My Favorite Song director JP Habac.

Sa episode, ikinuwento ni Icoy ang naging experience niya sa isang babae na recently niya naka-date na 'tila ginawa siyang backburner.

Ayon sa Psychology Today, backburners "are people with whom we maintain contact in the hope of someday pursuing a romantic or sexual encounter."

Lahad ni Icoy kina Direk Tonet at Direk JP, naging on and off ang kanyang relasyon sa babae, pero sa ikatlong pagkakataon ay naramdaman daw niya na baka may chance silang maging couple.

“Ang hirap kasi, paano kung hindi ko na ulit maramdaman 'yung ganito for another person?

“Parang gusto ko ilaban hanggang wala na talaga akong maibibigay. So nagkataon, dumating siya ulit for a third time. Tapos this time parang ang tagal, tapos na-feel ko parang all in na rin siya. First time ko na-feel parang all in 'to.

“Tumagal siya ng mga I think two weeks na halos every other day nagkikita kami. As in parang solid na talaga, parang feeling ko 'Ah, magkaka-jowa na ako sa wakas,' parang ganun.”

Ngunit, hindi kinalunan ay naramdaman ni Icoy na lumalayo na ang loob nito sa kanya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Tapos, biglang na-feel ko parang after nung two weeks na 'yun biglang nakaramdam ako ng parang familiar feeling ng pagpu-pullback niya uli.”

“Na-praning ako tapos tina-try ko siyang kausapin, tapos parang ang labo niyang kausap. So wala na, sabi ko huwag na 'to, pass na.”

Sumunod niya ibinahagi ang realization niya. Ani Icoy, “Kahit ikaw 'yung second option hindi ibig sabihin na hindi posible maging first option ka eventually parang ganun pa 'yung paniniwala ko. Ngayon, hindi na ako naniniwala!

“Bakit? Kasi, para sa akin if you are not an option na kaya niyang panindigan to begin with, even if she tried, wala na siyang ibang option. Sabihin natin, for the meantime wala na siyang ibang option. Tapos, pinili ka niya at that moment. Feeling ko the moment that another person comes along who is probably better, lilipat na siya agad dun. Kasi 'you were never a decision na kayang niyang panindigan to begin with.

“So kung backburner ka, itigil mo na yan! Hindi mo deserve maging backburner. Dapat first choice ka!” paalala ni Icoy.

RELATED CONTENT: Filipino celebrity chefs and food content creator to follow on social media