LOOK: Chinese New Year celebration ng mga sikat!

Punong-puno ng pag-asa ang mga celebrities nang salubungin ang Chinese New Year kahapon, February 12.
Ngayong taon, natapat ang selebrasyon ng Biyernes at dahil holiday, marami ang pinili rin na magbakasyon kahit nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic.
Tulad na lang ng pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera o kilala din sa tawag na DongYan na kasama ang mga chikiting.
Sabi pa ng Kapuso Primetime King sa kanyang Instagram post, “Ox na ox...basta't magkakasama. Happy Chinese new year, everyone!”
Kasama rin ng newbie Kapuso na si Richard Yap ang kanyang pamilya nang ipinagdiwang nila ang Year of the Metal Ox. Malapit nang bumida si Richard sa serye na 'I Left My Heart in Sorsogon' kung saan makakatambal niya ang primetime actress na si Heart Evangelista.
Heto pa ang ilan pasilip sa ginawa ng mga paborito ninyong artista noong Chinese New Year sa gallery below!









