LOOK: MJ Lastimosa's funniest tweets that became subject of memes

Marami ang nakaka-relate sa humor ng dating beauty queen na si MJ Lastimosa kaya tinawag siyang "spirit animal" ng ilan niyang followers dahil sa kanyang nakakaaliw na tweets, na naging dahilan para maging certified meme siya sa social media.
Damang-dama ang Miss U fever noong 2021 at isang dahilan diyan ang mga tweets ni MJ na may kinalaman sa kinatawan ng bansa sa 69th edition ng Miss Universe na si Rabiya Mateo.
Pumunta si MJ sa Amerika para suportahan si Rabiya sa Miss U. Sa social media accounts niya, makikitang labis itong pinaghandaan ni MJ sa pamamagitan ng pagsusuot ng magagarang kasuotan.
Hindi naman alintana ni MJ kung mawala man ang kanyang poise habang nakikipag-'bardagulan.'
Tulad ng ibang pageant fans, hindi na napigilan ni MJ ang kanyang excitement, na kapansin-pansin sa kanyang posts online.
Hanggang ngayon ay patuloy na pinag-uusapan ang tweets ni MJ lalo pa at muling nabuhay ang kanyang viral national costume noong sumali siya sa Miss Universe 2015 bilang meme sa kasagsagan ng katatapos lang na Bb. Pilipinas 2022 pageant.
Matatandaang binatikos ang national costume niya noon dahil sa pagkakahalintulad nito umano sa isang birthday cake. Gayunpaman, nananatiling cool ang beauty queen tungkol dito.
Tingnan dito ang ilang tweets ni MJ na pinag-usapan online:
























