IN PHOTOS: Celebrity ninongs at ninangs ng kapwa artista

Maraming magagandang relasyon ang nabubuo sa showbiz na nananatiling mahalaga sa personal na buhay ng mga artista.
Ilan sa TV personalities ay natagpuan ang kanilang “the one” sa set ng kanilang ginagawang program o pelikula. Ang ilang naman ay nakatagpo rin ng life-long friendships at #SquadGoals sa kanilang fellow celebrities. Maliban dito, ang ibang artista ay nagsisilbi ring pangalawang magulang para sa ibang celebrities. Kaya naman, hindi na kataka-taka kung piliin silang maging ninong at ninang sa kasal.
Ilan sa Kapuso stars na may kapwa celebrity na ninong at ninang ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Max Collins at Pancho Magno, at Joyce Pring at Juancho Trivino.
Kilalanin ang ilang celebrities na tumayong ninong at ninang sa kasal ng kapwa artista sa gallery na ito.













