Where are they now: Click barkada

Naalala pa ba ninyo ang 'Click,' na isa sa youth-oriented shows na tumatak sa bansa?
Ang 'Click' ay napanood sa GMA Network mula 1999 hanggang 2004. Ito ay kinabibilangan ng iba't ibang personalidad na kilala na ngayon bilang ilan sa mga mahuhusay na mga aktor sa bansa. Ilan rin sa kanila ay pinili na ang tahimik na buhay sa labas ng showbiz.
Ngayong 2021 ay nagkaroon ng virtual reunion ang Click barkada at ipinakita ito ni James Blanco sa kaniyang Instagram account.
Balikan natin ang ilan sa mga artistang napanood sa unang batch ng 'Click' at alamin kung ano na ang mga pinagkakaabalahan nila ngayon.



















