advertisement
Celebrity Life

The beautiful life and career of Carmina Villarroel through the years

1 of 23

Dekada '90

Kuha ang larawan na ito nina Aiko Melendez, Carmina Villarroel, at Ruffa Guttierez noong dekada '90 sa pelikulang 'Underage' kung saan gumanap silang magkakapatid.

2 of 23

Eat Bulaga

Kapwa naging host ng 'Eat Bulaga' mula 1989-1995 sina Carmina Villarroel at Aiko Melendez.

3 of 23

Monica

Noong 1988, ginampanan ni Carmina Villarroel ang karakter ni Monica sa horror film na 'Tiyanak' ng Regal Films.

advertisement
4 of 23

Dyesebel

Gumanap din bilang batang 'Dyesebel' noong 1990 si Carmina Villarroel.

5 of 23

Past

Bumida noong 1994 sa pelikulang 'Hindi Magbabago' sina Carmina Villarroel at Rustom Padilla.

6 of 23

Sis

Mula 2003 hanggang 2010, naging host ng GMA morning talk show na 'Sis' si Carmina Villarroel kasama ang magkapatid na sina Janice de Belen at Gelli de Belen.

advertisement
7 of 23

Surprise

Ikinasal sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi noong November 15, 2012 kung saan mismong sa araw rin na iyon naganap ang kanilang wedding proposal.

8 of 23

Wedding

Isa sa pinakaengrandeng kasal noong 2012 ang kasalang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Ang inakala ni Carmina noon na isa lamang commercial shoot ay siyang kasal na niya pala.

9 of 23

Family

Kasama ni Zoren Legaspi sa paghahanda sa kasal ang kanyang dalawang anak na sina Cassy at Mavy. Ito ay para bigyan ng engrandeng sorpresa si Carmina Villarroel.

advertisement
10 of 23

Cassy

Sumunod na rin sa yapak nina Carmina at Zoren sa pag-aartista ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy. Huling napanood si Cassy sa GMA series na 'First Yaya' bilang si Nina Acosta.

11 of 23

Mavy

Naging emosyunal si Carmina nang magpaalam sa kanya si Mavy para sa lock-in taping ng GMA series na 'I Left My Heart in Sorsogon.' Ibinahagi ni Carmina sa Instagram ang larawang ito noong July 12, 2021 kung saan makikitang yakap-yakap nito ang anak habang umiiyak.

12 of 23

Sarap 'Di Ba?

Tuwing Sabado ng umaga, mapapanood sa GMA talk show na 'Sarap 'Di Ba?' ang buong pamilya ni Carmina Villarroel.

advertisement
13 of 23

Silver

Bukod sa pagiging host, pinasok na rin ni Carmina ang pagiging vlogger kung saan natanggap niya noong Marso ang kanyang Silver Play Button sa YouTube. Kasalukuyang mayroong 388,000 subscribers ang YouTube channel ng aktres.

14 of 23

Dulce

Noong Pebrero, ginampanan ni Carmina Villarroel ang karakter ni Dulce sa GMA Afternoon Prime na 'Babawiin Ko Ang Lahat' kasama sina Pauline Mendoza, Liezel Lopez, John Estrada, Tanya Garcia, Kristofer Martin, at Dave Bornea.

15 of 23

Birthday

Noong August 17, 2021, ipinagdiriwang ni Carmina Villarroel ang kanyang 46th birthday. Bago pa man ang kaarawan, una na siyang sinorpresa ng kanyang ama at mga kapatid ng isang masayang salusalo.

advertisement
16 of 23

46th birthday

Kasama ni Carmina Villarroel sa kanyang 46th birthday celebration ang asawang si Zoren Legaspi at ang kambal na sina Cassy at Mavy.

17 of 23

Family picture

Ayon kay Carmina Villarroel, ang una nilang family picture ay kuha ng namayapang celebrity photographer na si Raymund Isaac, na kaibigan na nilang mag-asawa noon pa man.

18 of 23

Best actress

Sa naganap na 'A Night of Horror Film Festival 2021' sa Australia, nakamit ni Carmina Villarroel ang karangalang "Best Performance in an International Film" para sa pelikulang 'Sunod,' na unang ipinalabas noong 2019.

advertisement
19 of 23

Maggie Corpuz

Noong Disyembre 2021, gumanap si Carmina bilang si Maggie Corpuz, isang middle class career woman, sa afternoon drama anthology na 'Stories From The Heart: The End Of Us.'

20 of 23

First Kapuso project together

Sa pambihirang pagkakataon, katambal ni Carmina ang kanyang asawa na si Zoren sa nasabing teleserye.

21 of 23

Korean Drama

Mala K-Drama stars naman ang dating nina Carmina at Zoren sa kanilang series.

advertisement
22 of 23

Widows' Web 

Kabilang si Carmina Villarroel sa mga pangunahing karakter sa upcoming GMA Telebabad series na 'Widows' Web.'

23 of 23

Emotional  

Hindi napigilang maging emosyunal ni Carmina Villarroel-Legaspi nang pansamantalang iwanan niya ang kanyang pamilya para bumalik sa lock-in taping ng 'Widows' Web.'