New beginnings: Allan K starts new businesses after bankruptcy

Ilang beses mang nadapa ngayong pandemya, patuloy namang bumabangon ang 'Eat Bulaga' Dabarkad na si Allan K.
Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic, dinapuan ang virus ang komedyante. Na-admit siya sa intensive care unit ng isang ospital nang tatlong araw dahil sa severe case ng Covid. Sa kabutihang palad, na-survive niya ang highly contagious virus.
Bago iyon, mas may matinding pinagdaanan si Allan--ang pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid na sina Junjun at Melba Quilantang.
Hindi lang mga mahal sa buhay ni Allan ang nawala sa kanya, kundi rin ang mga negosyo niyang comedy bars na Klownz at Zirkoh na halos dalawang dekada niyang pinatakbo.
Nagdesisyon si Allan K. na magdeklara ng bankruptcy at isara ang kanyang comedy bars dahil sa kawalan ng kita sanhi ng pandemya at sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.
Sa kabila ng mga dagok na dumating sa buhay ni Allan, bagong pag-asa ang bumungad sa kanya matapos ang hindi magagandang nangyari sa kanya noong nakaraang taon.
Matapos lumipat sa bagong bahay sa Quezon City, bumalik na rin siya sa pagnenegosyo.
Binuksan niya ang kanyang Japanese restaurant na tinawag niyang Koban na nasa Tomas Morato Avenue sa Quezon City.
Malapit na ring magbukas ang isa pang negosyo ni Allan K. na isang restobar na pinangalanan niyang Zirkulo na matatagpuan naman sa Las Piñas City.
Silipin ang mga bagong negosyo ng "Pambansang Ilong ng Pilipinas" sa gallery na ito:













