LOOK: Toni Fowler gives house tour of Tore de Palacio

GMA Logo Tore de Palacio

Photo Inside Page


Photos

Tore de Palacio



Naging bongga ang umpisa ng bagong taon para sa online content creator na si Toni Fowler.

Ibinahagi sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ng dancer at vlogger ang bunga ng kanyang pagsisikap--ang kanyang bagong tahanan, ang Tore de Palacio.

Lumaki sa hirap si Toni, bata pa lamang siya nang nagtrabaho bilang OFW ang ina.

Ang kanyang nakatatandang kapatid na babae at ang kanyang lola ang tumayong tagapangalaga ni Toni.

Ngayon, ganap na ina na rin siya sa anak na si Tyronia.

Pagsasayaw ang naging daan ni Toni para buhayin ang anak at matulungan ang pamilya.

Kwento ni Toni sa 'KMJS,' "Puro pagsasayaw lang kasi bobo ako, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral."

Dagdag niya, "Every year, lumilipat po kami kung saan kami makakamura.

"Parang rabbit na 'yung mga daga sa amin. Wala kaming sariling kwarto. Para kaming lumpia. Wala kaming privacy.

"'Yung likod namin, tapunan ng basura," kwento ni Toni.

Taong 2019, nang pinasok ni Toni ang pag-va-vlog, at dito na siya nakaipon para sa kanyang pamilya.

"Hindi ko alam kung paano kami kakainin noon, pero sabi ko kakaririn ko 'to," lahad ni Toni.

Mula sa pagpaparetoke hanggang sa masalimuot na buhay pag-ibig--ipinakita ito ni Toni sa kanyang mga vlog, kasama na rin ng mga pagpapatawa sa gitna ng hirap ng buhay.

Aniya, "Nung una, natatakot ako. Pero nung tumatagal na tapos nabibigay ko na 'yung mga kailangan ng anak ko...ano ba naman 'yung i-sacrifice ko 'yung privacy, kung ikakaginhawa naman ng buhay ng anak ko at pamilya ko?"

Hindi rin nakalusot si Toni sa mga bashers, pati ang kanyang bagong bahay, nilait ng mga netizens, pero dinadaan na lamang ni Toni sa pagpapatawa ang mga pambabatikos.

"Nakita ko 'yung mga comments ng mga tao, 'hindi naman 'yan palasyo, mukhang munisipyo,' natatawang pag-amin ni Toni.

"May pagka-city hall nga. Para sa amin na galing sa hirap, munting palasyo namin 'to."

Tignan ang munting palasyo ni Toni Fowler:


Toni Fowler
Tyronia
Childhood
Career
Tore de Palacio
Staircase
Dining area
Indoor pool
Dance area
Space
Toro Family
Home

Around GMA

Around GMA

4 weather systems to bring cloudy skies, rains over Luzon
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays