Magbabalik action na ba ang aktor? By MICHELLE CALIGAN
Bago pa man nahanay sa drama, unang nakilala ang Kapuso actor na si Raymart Santiago bilang action star noong 90s. Matagal na ring siyang nagpahinga sa pagiging bida sa naturang genre, pero aminado ang Second Chances star na nami-miss na niya ito.
"Siyempre nami-miss ko rin," paglalahad niya nang amin siyang dalawin sa set ng Second Chances kamakailan.