Ang simpleng buhay ni Buboy Villar

GMA Logo buboy villar

Photo Inside Page


Photos

buboy villar



Sampung taon si Buboy Villar nang magsimulang maging breadwinner.

Nangalakal sila ng kanyang ina noon sa Cebu at rumaket bilang child singer para may panggastos sa araw-araw.

Para makipagsapalaran sa Maynila, binenta nila ang kanilang bahay sa probinsya.

Kapos man sa buhay, hindi nagkulang sa talento si Buboy na naging bentahe niya sa showbiz.

Nagsimula ang karera ni Buboy bilang child actor sa 2008 fantasy series na 'Dyesebel' at bilang si Carding sa 2009-2010 fantasy series na 'Darna.' Nakasama niya ang nag-iisang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa parehong palabas.

Hindi nagtagal, nasundan ng bagong proyekto si Buboy at bumida siya sa 'Panday Kids' na TV sequel ng 2009 film na 'Ang Panday.'

Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng acting career ni Buboy. Sa katunayan, hinangaan siya sa kanyang paggaanap bilang Manny Pacquiao sa 2015 biographical sports drama film na 'Kid Kulafu.'

Nasa dugo na ni Buboy ang pagtatrabaho kaya hanggang ngayon ay todo-kayod ang aktor at father of two.

Hinahangaan sa social media ang kanyang kasipagan dahil kung ano-ano ang trabahong pinasok niya para may pangtustos sa kanyang pamilya.

Kabi-kabila man ang on-screen projects niya, patuloy ang raket niya on and off cam para masuportahan ang kanyang pamilya.

Bukod sa pag-monetize ng kanyang videos sa kanyang YouTube channel, kumikita rin si Buboy sa kanyang paresan.

Imbes na ikahiya, proud pa nga si Buboy sa kanyang street food stall dahil nakakatulong ito sa kanyang mga gastusin sa bahay.

Sa April 15, 2021 post niya, ipinakita pa niya ang nabili niyang gatas at diaper para sa kanyang mga anak dahil sa pagbebenta ng pares.

Sabi niya, "Maraming salamat sa mga nag-support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo basta't sipag at tiyaga lang.

"Hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa basta't parehas tayo tao at kailangan natin mabuhay sa pang-araw-araw.

"Alam kong hindi lang eto ang kaya ko."

Patunay lang si Buboy na walang imposible sa mga nagsisikap tulad niya. Ika nga niya, "Nagpapasalamat ako kay Lord na naging artista ako kaya hindi ako titigil.'

Silipin ang kanyang simpleng buhay dito:


Buboy Villar
Ad
GMA shows
Showbiz
False Positive 
Father
Second child
YouTube
Pares
Humble

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!