All the times Herlene 'Hipon Girl' Budol showed she's pageant-ready

Ngayong Biyernes, April 22, pormal nang inanunsyo ng Binibining Pilipinas ang opisyal na listahan ng mga kandidatang maglalaban-laban para sa pageant ngayong 2022 at isa na riyan ang 'False Positive' star na si Herlene 'Hipon Girl' Budol.
Ang mga titulong Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe ang mga paglalabanan sa edition ng Binibining Pilipinas ngayong taon. Ang mga mapalad na kandidata na magwawagi sa kompetisyon ay magiging kinatawan ng bansa sa international counterpart ng mga nasabing pageant.
Para kay Herlene, dream niyang makasali sa major beauty pageant matapos maranasang sumali sa mga maliliit na beauty contest noon.
Hindi naman binigo ng komedyante ang kanyang fans at supporters dahil nagbunga ang training at effort niya para makapasok sa national beauty pageant.
Tingnan sa gallery na ito ang mga qualities ni Herlene na patunay na siya ay pageant-ready:









