IN PHOTOS: Pinoy TikTok stars na bida na rin sa mainstream

Isa sa nangungunang social media platforms ngayon sa bansa ay ang short-video streaming app na TikTok. Ito ang takbuhan ng maraming Pinoy online upang malibang dahil sa mga nakakaaliw na video na mapapanood dito.
Makikita rin sa nasabing app ang iba't ibang trend--mapa-movies, dance challenge, food trip, travel destinations, at kung anu-ano pa.
Pero para sa ilang TikTok users, hindi na lamang ito basta pampalipas oras dahil dito nila ipinapakita ang kanilang mga talento sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte at marami pang iba.
Naging daan din ito para sa maraming sikat social media influencers ngayon upang matupad ang kanilang pangarap na mas makilala at makapaghatid ng saya sa mas maraming manonood.
Narito ang ilan sa mga TikTok stars na sumikat at napapanood na rin ngayon sa mainstream media.






















