IN PHOTOS: Mikee Quintos and Paul Salas's kilig moments

Marami ang natuwa at kinilig kamakailan sa rebelasyon ng aktor na si Paul Salas
patungkol sa namumuong romantic relationship sa pagitan nila ng aktres na si Mikee Quintos.
Sa isang episode ng 'Mars Pa More' noon, inamin ng aktor na "dating" ang status nila ng aktres.
Aniya, "Meron. Ano kami... 'Di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi 'yan sa Mars Pa More."
Nagtambal ang dalawa sa 'Regal Studio Presents: Love, Share, Subscribe.'
Samantala, narito ang ilang mga larawan ng sweet moments nina Paul at Mikee.




























