Star-studded ang guest list ng naganap na grand wedding nina Glaiza De Castro at David Rainey sa Sundowners beach resort sa Zambales noong Lunes, January 23.
Dinaluhan ito ng mga kaibigan at iba pang kasamahan ni Glaiza sa industriya. Maging ang entourage niya ay binuo ng ilan niyang mga nakatrabaho sa showbiz gaya ng 'Encantadia' co-star niyang si Rochelle Pangilinan at 'The Rich Man's Daughter' co-star niyang si Sheena Halili, at 'Berks' co-star niyang si Angelica Panganiban.
Kumpleto naman ang cast ng huling ginawang proyekto ni Glaiza sa GMA na 'Running Man Ph' na sina Mikael Daez, Ruru Madrid, Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Buboy Villar.
Pati ang past co-stars ni Glaiza ay napaunlakan ding dumalo sa biggest celebration nila ni David tulad ni Gabby Eigenmann na nakasama niya sa 2018 GMA afternoon drama na 'Contessa.'
Nagpaabot din ng suporta sa couple sa pamamagitan ng pagdalo sa kanilang second wedding ang mga kaibigan ni Glaiza sa larangan ng musika na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, na producer ng ilang kanta ng actress-singer.
Narito ang ilang larawan:
Ikinasal sina Glaiza De Castro at Irish niyang mister na si David Rainey sa ikalawang pagkakataon. Naganap ito sa isang Filipino-themed beach wedding sa Zambales noong Lunes, January 23.
Ilan sa wedding principal sponsors nina Glaiza at David sina (mula kaliwa) GMA Assistant Vice President for Talent Management Joy Marcelo, DWBW RTV-Baler program director Suzette Payongayong, NicePrint Photography & Exige Weddings owner Charisse Tinio, at Sparkle senior talent manager Tracy Garcia.
Binubuo ang bridal entourage ni Glaiza ng mga kaibigan niya na karamihan ay mula sa showbiz na sina Alessandra De Rossi, Isabel Oli, Chynna Ortaleza, Rochelle Pangilinan, at Sheena Halili. Parte rin ng entourage si Vanessa Gatan at ang matalik na kaibigan ni Glaiza na si Angelica Panganiban na parehong maid of honor ng aktres.
Laidback ang dating ni Maxene Magalona sa kanyang modern-day pink terno habang nakasuot ng sunglasses.
Present din ang co-stars ni Glaiza sa 'Running Man Ph' na sina Kokoy De Santos, Lexi Gonzales, Mikael Daez, Angel Guardian, at Buboy Villar.
Kasama rin nila ang isa pang 'Running Man Ph' cast member na si Ruru Madrid na ka-date ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali.
Dumalo rin ang Sparke handler na si Edz Dela Cruz at direktor na si Rico Gutierrez sa Zambales wedding nina Glaiza at David.
Kasama ni Gabby Eigenmann na dumalo sa kasal ng kanyang 'Contessa' co-star na si Glaiza ang misis niyang si Apples Eigenmann.
"Cool couple" kung ilarawan ni Maxene Magalona ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Sina Kean ang founder ng record label na O/C Records, na nag-produce ng ilang kanta ni Glaiza.
Present din ang longtime friend ni Glaiza na si Ketchup Eusebio sa kanilang beach wedding ni David.
Naki-jam kay Kakai Bautista sina Ketchup at Kean sa wedding reception nina Glaiza at David na ginanap sa Grand Pavilion ng Sundowners.