Family vloggers na kinagigiliwan ngayon ng mga Pinoy online

Mula nang mauso ang pagba-vlog, kani-kaniyang diskarte na ang ilang mga Pinoy sa paggawa ng content na ina-upload nila hindi lamang sa YouTube kundi pati na rin sa iba't ibang social media.
Ang ilan naman sa kanila, nag-upload lang ng video na nag-viral sa social media at hindi nila inaasahan na papasukin din pala nila ng mundo ng vlogging.
Bukod sa content creators na iniidolo ngayon ng mga Pinoy, na unang napanood sa YouTube, ilang family vloggers naman sa Facebook ang sumisikat na rin ngayon dahil sa kanilang mga nakaaaliw na videos.
Kilalanin ang ilang sikat na family vloggers sa gallery na ito.











