Arra San Agustin, blooming na blooming sa kanyang unang 'grand' birthday party

Espesyal ang naging 28th birthday celebration ng Kapuso actress na si Arra San Agustin, Martes ng gabi, April 25, dahil ito ang unang pagkakataon na nagdaos siya ng isang enggrandeng birthday party.
Kuwento ni Arra sa GMANetwork.com, “Well, actually, I'm not that type to really host parties, never akong nag-party buong buhay ko and ito 'yung first.”
Ayon sa aktres, natutunan niyang pahalagahan ang bawat okasyon sa kaniyang buhay nang magkaroon ng pandemya kung kaya't naisipan niyang magdaos na for the first time ng isang birthday party kasama ang mga mahal niya sa buhay.
Aniya, “Naisip ko lang ngayon, this year na why not? Why not try, at least gather my friends, gather the people important to me, try lang natin kasi tumatanda na rin tayo and na-realize ko lang especially after pandemic na parang ayokong hindi mag-seize ng moment ayoko na lumalampas lang 'yung opportunities na puwede ko namang gawin.”
Tanging hiling naman ni Arra sa kaniyang kaarawan, “Siyempre hindi magkakaroon ng sakit ang family ko, and ako, my loved ones and more opportunities, more career opportunities this year.”
Bukod sa kaniyang pamilya, non-showbiz friends, star-studded din ang birthday party ni Arra sa pagdalo ng ilang celebrities na nakatrabaho ng aktres sa kaniyang mga TV projects gaya ng co-actors niya sa Mga Lihim ni Urduja na sina Jeric Gonzales, Kristoffer Martin, Luke Conde, Faith Da Silva, Billie Hakenson, at direktor nito na si Jorron Monroy.
Kasama rin dito ang batchmates ni Arra sa artista search na StarStruck na sina Chariz Solomon, Prince Clemente, at mga kaibigan na sina Ken Chan, Rabiya Mateo, Yasser Marta, Kate Valdez, Archie Alemania, DJ Durano, Rochelle Pangilinan, at batikang aktres na si Gladys Reyes.
Present din sa kaniyang birthday celebration ang ilan sa cast ng Happy ToGetHer na sina Jenzel Angeles, Janus Del Prado, at mismong direktor nito na si Bobot Moritiz.
Samantala, bukod sa finale ng Mga Lihim ni Urduja excited na rin si Arra sa mga upcoming projects niya sa GMA.
Bukod sa pagiging talented at smart na aktres si Arra San Agustin, siya ay biniyayaan rin ng good looks. Isa sa kanyang striking facial features ang kanyang mga mata na marami ang nagsasabi ay tantalizing at nangungusap.
Narito ang ilang photos na nagpapatunay na isa si Arra San Agustin sa mga artistang may "face meant for the cameras."














