Julie Anne San Jose celebrates 29th birthday with the Aeta community

Masayang ipinagdiwang ng Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang kaniyang ika-29 na kaarawan kasama ang Aeta community sa Inarao, Porac, Pampanga.
Sa Instagram, nagbahagi ng ilang mga larawan ang Sparkle GMA Artist Center kung saan makikita kung gaano karami ang napangiti ni Julie Anne sa kaniyang pagbisita sa naturang lugar.
Kasama rin ni Julie Anne na nagbigay ng suporta sa mga katutubong Aeta ang kaniyang on and off-screen partner na si Rayver Cruz.
Samantala, tingnan ang highlights mula sa post-birthday outreach ni Julie Anne San Jose sa gallery na ito.







