Sienna Stevens' look-alike photos with late teen star Julie Vega

Maraming netizens ngayon ang nakapapansin sa pagkakahawig ng seven-year-old Royal Blood child actress na si Sienna Stevens sa dating teen star na si Julie Vega--mula sa malamlam nitong mga mata, maganda at maamong mukha hanggang sa pagiging isa ring mahusay na batang aktres.
Sabi pa ng netizen na si Ritz Banares, "Parang nag-incarnate si Julie Vega kay Sienna Stevens."
Komento naman ni Daisy Dela Cruz Pajarillo, "Oo nga kamukha sya ni Julie Vega ang ganda."
Tingnan ang ilang komento ng netizens sa pagkakahawig ni Sienna Stevens kay Julie Vega at ang ilan nilang look-alike photos sa gallery na ito:











