GMA's boy band One Up, where are they now?

Noong 2016, ipakilala ng GMA Artist Center, na ngayo'y kilala bilang Sparkle, ang sampung miyembro ng boy band/group na One Up. Karamihan sa mga miyembro nito ay sumali sa 'StartStruck' Season 6, samantalang ay iba naman ay nagmomodelo na bago pasukin ang mundo ng showbiz.
Bukod sa pagsayaw at pagkanta, pinasok na rin ng mga kalalakihang ito ang mundo ng pag-arte. Bago pa ipakilala sa publiko ay mayroon na silang nasalihang programa kung saan naipakita nila ang galing nila sa pag-arte.
Sa nakaraang GMA Gala 2023, nagkaroon ng reunion ang ilan sa mga miyembro nitong sina Brent Valdez, Dave Bornea, Jay Arcilla, at Prince Clemente.
Nasaan na kaya ang iba pang miyembro ng One Up? Alamin 'yan sa gallery na ito.




















