Allen Dizon, from Viva Hot Men member to an endearing TV doctor

Noong late '90s nagsimulang makilala at sumikat sa show business si Allen Dizon sa pamamagitan ng isang beauty pageant.
Matapos nito, nag-audition siya at napiling maging kabilang sa cast ng sexy drama na 'Curacha: Ang Babaeng Walang Pahinga.'
Taong 2004, nang maging lider si Allen ng all-male group na Viva Hot Men.
Kasunod nito, nagsimula na siyang mas makilala sa industriya sa pamamagitan ng kanyang sexy roles.
Ilang taon pa ang lumipas at nagpasya ang aktor na huwag nang tumanggap ng mga sexy roles.
Sa kabila ng limitasyon na ito, isa si Allen sa mga Filipino actor na mayroong napakaraming acting awards.
Sa kasalukuyan, napapanood si Allen bilang Dr. Carlos Benitez sa GMA top-rating series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Tingnan ang career highlights ni Allen Dizon sa gallery na ito.












