Jak Roberto at kanyang mga estudyante sa 'Anti-Selos University'

Sinimulan na ni Jak Roberto ang kanyang "anti-selos" course sa kanyang Jak Roberto University (JRU) at star-studded ang kanyang mga estudyante.
Nagsimula ang lahat dahil sa naging tambalan ng real-life girlfriend ni Jak, si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, at Pambansang Ginoo David Licauco sa hit GMA Telebabad series na 'Maria Clara at Ibarra.'
Dahil sa tagumpay na pagsasama nina Barbie at David, nasundan ito ng pagsasama nila sa TV adaptation ng 'Maging Sino Ka Man.'
Ngunit paliwanag ni Jak, hindi siya nagseselos kay David dahil professional sila sa kanilang trabaho.
Paliwanag niya sa PEP.ph, "Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang."
Nangunguna sa listahan ng nag-enroll sa anti-selos class ni Jak ang kapatid niyang si Sanya Lopez na nagtanong kung ano ang ibig sabihin 'pag may sumandal na iba sa karelasyon niya.
Paliwanag ni Jak, "Baka naman pagod lang."
May tanong rin ang 'The Missing Husband' co-stars ni Jak na sina Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, at Cai Cortez.
Pati ang mga kasama at kaibigan ni Jak sa Sparkle GMA Artist Center na sina Kristofer Martin, Sofia Pablo, at Allen Ansay ay nag-enroll na rin sa "anti-selos" class ni Jak.
Alamin ang paliwanag ni Jak sa mga nakakalitong tanong sa mga larawang ito.









