Ashley Rivera, sinagot ang bashers na nagsabing ginagaya niya si Marian Rivera?

Pumalag ang aktres na si Ashley Rivera, o mas kilala bilang Petra Mahalimuyak online, sa mga basher na nagsasabing ginagaya niya si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Isa kasi si Ashley sa libo-libong gumawa ng trend na pinauso ni Marian sa kanyang TikTok account na kasalukuyan ay mayroon nang milyong-milyong views.
@marianrivera Try lang 😝 #MarianRivera #FYP ♬ original sound - MarianRivera
Sa TikTok live niya sa GMA Network TikTok kasama ang kanyang co-stars sa The Seed of Love na sina Glaiza De Castro, Mike Tan, at Valerie Concepcion, hindi pinalampas ni Ashley ang nabasa niyang komento.
"May basher pa nga, sabi trying hard daw maging Marian. Kailan ko ba sinabing gusto ko maging Marian?" natutuwang sagot ni Ashley.
"Hindi ba puwedeng sumasayaw lang naman? Puwede bang sumasayaw lang?"
@petrashley Mga alipin ng salapi
♬ original sound - MarianRivera
Sa The Seed of Love, ginagampanan ni Ashley si Frieda, ang matalik na kaibigan ni Alexa.
Mapapanood ang huling dalawang episode ng The Seed of Love, 4:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magandang Dilag.
Did you know that Ashley Rivera's Petra Mahalimuyak persona rose to fame in 2011? Mas kilalanin pa si Ashley sa mga larawang ito:











