Andre Yllana, kinonsulta ni Jomari Yllana bago mag-propose kay Abby Viduya

GMA Logo Andre Yllana

Photo Inside Page


Photos

Andre Yllana



Todo ang suporta ni Andre Yllana sa relasyon ng kanyang amang si Jomari Yllana at Abby Viduya.

Sa katunayan, masayang-masaya siya para sa nalalapit na pagpapakasal ng celebrity couple sa November 2023.

“Ako po, simple lang talaga ang sinabi ko kay daddy. Sabi ko lang sa kanya, 'Kung saan ka sasaya, doon ako. Suporta ako doon. Yun ang magpapasaya sa kanya kaya full support lang ako,” sabi ni Andre nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media sa press conference Safe Skies, Archer noong Lunes, September 4.

Dito, nabanggit din ng binatang anak ni Jomari na una siyang kinonsulta ng kanyang ama bago mag-propose kay Abby.

“Actually, humingi pa nga ng [tips] si daddy kung paano magpo-propose, kung ano ang gagawin. Kinausap niya ako, 'Okay lang ba, Andre. Tanggap mo ba?' Sabi ko, 'Oo naman, dad, kung saan ka sasaya.'”

Para kay Andre, si Abby ang pinakagusto niyang naging girlfriend ni Jomari matapos ang hiwalayan nila ng ina ng una na si Aiko Melendez.

Paliwanag niya, “Si Tita Abby kasi very different sa mga naging girlfriend ni daddy. Siguro kasi the fact na artista rin siya, we get to talk about my roles, she keeps me interested. I could see a mom in her, at the same time, a friend na rin."

Samantala, katulad ng sa kanyang ama, pangarap din ni Andre maikasal ang kanyang inang si Aiko Melendez, na matagal nang may relasyon kay Zambales representative Jay Khonghun.

“Siyempre, si mommy ang dami na ring failed relationships. I want her to settle na rin kung saan siya sasaya,” sabi niya.

Dagdag hirit pa niya, “O, Tito Jay, baka naman diyan.”

Kung ang kanyang mga magulang ang masaya sa kani-kanilang mga relasyon, tila hindi naman pinalad si Andre. Inamin niya sa parehong panayam na wala na sila ng kanyang girlfriend, na ipinakilala sa kanya ni Abby.

'Wala na 'yon!' sabi ni Andre ng kumustahin siya tungkol dito.

Sa halip na forever, natatawang sabi niya, “Hindi po e, four lang-- four months.”

Sa huli, sinabi niya, “Career muna tayo.”


Andre Yllana
Teenager
Graduation
Young Andre
Siblings
Baby
Glasses
Hair
With Aiko
Selfie
OOTD
Dad
Jomari
Aiko's boyfriend
Showbiz
Car
Basketball
Girlfriend
Business
Sex scandal
Deny
Slim
Humble
Virgin
More galleries:

Around GMA

Around GMA

Plaint up vs 14 brgy officials, workers for alleged cash aid modus
Small exchange gifts paandar sa Christmas parties o reunions, kinaaaliwan
PAWS reacts, calls on witnesses to the brutal killing of Axle