Jiro Manio, may bagong buhay na matapos ang ilang beses na rehab

Isa si Jiro Manio, o Jiro Katakura sa totoong buhay, sa maituturing na promising child actors noon dahil sa kaniyang naging mahusay na pagganap sa maraming mga pelikula. Kabilang dito ang 2003 award-winning Filipino film na 'Magnifico,' kung saan nakasama niya ang beteranang aktres na si Gloria Romero at ang premyadong aktor na si Albert Martinez.
Bukod dito, bumida at naging bahagi rin si Jiro ng maraming TV series kung saan nakita ang kaniyang nakadadala at natural na pag-arte.
Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng publiko, kasabay ng unti-unting pagsikat ni Jiro noon ay siya ring unti-unti niyang pagkalulong sa droga, na dahilan kung bakit humantong sa pagkasira ang kaniyang showbiz career.
Matapos ang ilang taon, ano na nga ba ang buhay ngayon ni Jiro? Alamin sa gallery na ito:
















