Real vs. AI generated photos of celebrities

Nakapag-AI yearbook photo na ba ang lahat?
Trending ngayon sa social media ang iba't ibang creative photos ng netizens na tila kuha sa isang yearbook photo shoot.
Pero kahit na tila makatotohanan ang itsura ng mga larawan, ang mga ito ay gawa lamang ng isang application na gumagamit ng AI o Artificial Intelligence.
Kung curious kang makita ang itsura ng iyong AI photo, kailangan mo lamang mag-upload ng iyong mga larawan sa app at magbayad ng fee upang ma-generate ang iyong AI yearbook photos.
Dahil sa nakatutuwang trend ng mga AI photo, maging mga celebrity ay nakisakay na rin sa trend.
Ang resulta, may mga kuhang-kuha naman ang kanilang facial features pero meron din namang tila napaglaruan lang.
Kayo na ang humusga, narito ang AI Yearbook photos vs. Real Glam photos ng mga celebrity:
















