Celebrities, netizens, nagpaabot ng pakikiramay sa yumaong anak ni Janna Dominguez na si Yzabel

Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang celebrities at netizens sa pagpanaw ng anak ni Janna Dominguez na si Yzabel Ablan. Pumanaw si Yzabel sa edad na 20 noong Sabado, October 7.
Ibinahagi ni Janna ang malungkot na balita sa kanyang social media accounts, isang araw matapos niyang ianunsyo ang pagsilang sa ikaapat na anak na si Leon.
"Anak [sad face]. It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved Yzabel Ablan. She has touched so many lives and she has been an inspiration to many," sulat ni Janna sa kanyang post.
Ayon kay Janna, gagawin ang burol ni Yzabel sa La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga mula October 8 hanggang October 12. "We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit. Knowing Yza it will mean a lot to her."






