Celebrities who ended their conflict

Sa mundo ng showbiz, hindi maiiwasan na magkaroon ng issue ang isang artista sa kapwa artista. Madalas ay nauuwi ito sa hindi pagpapansinan at di pagkakaintindihan.
Ngunit gaano man katagal ang hindi pagkakaintidihan ng celebrities, sa paglipas ng panahon ay nagkaka-ayos din sila, gaya na lang ng nangyari sa Kapuso actresses na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.
Matapos ang ilang taong hindi pagpapansinan, kailan lang ay napansin ng netizens na pina-follow na nina Marian at Heart ang isa't isa. Hindi lang ýun, nakatanggap din ng heart ang post ni Heart ng kaniyang OOTD mula kay Marian.
Hindi lang sina Marian at Heart ang nagkaayos matapos iang taong hindi pagkakaintindihan. Narito ang ilang celebrities na magkaaway noon na nagkabati na ngayon.













































