'Mr Shooli' Manuel Urbano Jr., pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 84 ang beteranong aktor, komedyante, at advertising creative na si Manuel “Jun” Salazar Urbano Jr. o mas kilala rin bilang si “Mr. Shooli.”
Ang Mongolian-inspired character ni Jun na si “Mr. Shooli” ay isa sa mga iconic figure sa bansa na sumikat noong late '80s dahil sa kanyang mga punchline tungkol sa politika at Pinoy pop culture.
Ang naging pagpanaw ni Jun ay kinumpirma mismo ng kanyang anak na si Banots Urbano sa isang Facebook post kalakip ang larawan nilang mag-ama na naglalaro ng lightsaber.
“I will cherish this moment for the rest of my life. My favorite pic of us. I love you so much dad, until we meet again,” caption ni Banots sa kanyang post.
Ang College of Mass Communication ng University of the Philippines ay inanunsyo rin ang pamamaalam ni Jun sa kanilang Facebook page.
Matatandaan na si Jun o “Mr. Shooli” ay ang nakatanggap ng Gawad Plaridel ngayong taon mula sa nasabing unibersidad.
“Para sa paglikha niya ng mga produksiyon sa telebisyon at pelikula na nag-angat sa nilalaman at anyo ng komedi, na maaring gamitin ng mga susunod na henerasyon ng mga midya praktisyuner bilang modelo sa paglikha ng mga akdang pangmidya na may mataas na uri at tunay na malasakit sa bayan,” pagkilala ng U.P. sa yumaong actor-comedian.
Isa sa mga hindi malilimutang mensahe noon ni Jun sa mga estudyante ng U.P. o iskolar ng bayan ay, “This country is your country. The future of this country is your future. Then try to work on it. Use your knowledge to improve the country.”
Si Jun ay ang anak ng yumaong National Artist for Cinema na si Manuel Conde na kilala sa kanyang mga obra gaya ng Ibong Adarna (1941), Si Juan Tamad (1947), Genghis Khan (1950), at marami pang iba.
Narito ang iba pang mga yumaong Pinoy comedians na minahal ng mga Pilipino:

































