Hindi naitago ni Rodjun Cruz ang kanyang excitement sa muling pagsasama nila ng aktres na si Snooky Serna para sa pelikulang 'Nuclear Family.' By MICHELLE CALIGAN
Hindi naitago ni Rodjun Cruz ang kanyang excitement sa muling pagsasama nila ng aktres na si Snooky Serna para sa pelikulang Nuclear Family. Nag-post ang aktor ng photo nila ng My Faithful Husband star sa Instagram kahapon, October 18.
Aniya, "Kasama ang nag-iisang Ms. #Snookyserna! Nung nagstart ako sa showbiz, first drama telesine ko, sya ang kasama ko. Talagang napakagaling at napakabait na aktres. Excited ako na makatrabaho ulit si Tita Snooky sa isang pelikula."
Ang Nuclear Family ay isang indie film written and directed by John Paul Laxamana, na siya ring direktor at writer ng award-winning movie na Magkakabaung.