Vicki Belo and Hayden Kho take their PA, MUA on a shopping spree in Milan

Nagbigay ng shopping spree ang mag-asawang sina Vicki Belo at Hayden Kho para sa kanilang personal assistant (PA) and makeup artist (MUA) na sina Marife at Millet.
Sina Marife at Millet ay matagal nang nagtatrabaho kina Vicki at Hayden at itinuturing nilang pamilya. Si Marife ay 27 years nang make up artist ni Vicki habang si Millet naman 15 years na bilang personal assistant.
PHOTO SOURCE: YouTube: Dr. Vicki Belo
"Gusto nating i-reward sila for their long years of service and always taking care of us." Saad ni Vicki sa kanyang vlog.
Idinaan nina Vicki at Hayden ang kanilang pagbibigay ng treat kina Marife at Mille sa isang fashion trivia game. Ang perang nakuha nila sa game na ito ang ginamit nilang pang-shopping sa iba't ibang luxury stores sa Milan.
RELATED GALLERY: The fab doctor: Mga mamahaling gamit ni Dra. Vicki Belo
Naging emosyonal naman ang apat nang pag-usapan nila ang work relationship.
Saad ni Marife, "Basta doc, sobra po akong thankful sa inyong dalawa... Yung sa family ko doc naibibigay ko sa kanila yung magandang buhay."
Si Millet na isang single parent ay nagpasalamat sa suporta ng mag-asawa sa kanya.
"Hindi na ano sa akin 'yung pagiging single dahil mayroon akong nasasandalan sa inyo."
Saad naman ni Hayden, "Pamilya namin itong dalawa."
Panoorin ang kanilang vlog sa Milan dito:
SAMANTALA, NARITO ANG IBA PANG LOYAL PERSONAL ASSISTANTS NG MGA ARTISTA:
























