Kristel Fulgar, nahanap na ang kanyang forever

It's official! Magkarelasyon na sina Kristel Fulgar at ang South Korean na si Ha Su Hyuk.
Nagsimulang ipakilala ni Kristel si Suhyuk bilang kaniyang Korean suitor noong February 2024. Sa isang parte ng kaniyang vlog, nabanggit ni Kristel na nagkakilala sila noong October 2023 ngunit hindi nito kinumpirma kung ito nga ay kanyang manliligaw. Noon ay hindi pa sinasabi ni Kristel ang pangalan ni Su Hyuk sa publiko.
Hindi nagtagal ay inamin na ni Kristel ang pangalan ng kaniyang manliligaw at ang nais niyang magkapareho sila ng relihiyon bago sagutin si Suhyuk.
Sa vlog noong November 29, opisyal nang sinagot ni Kristel si Suhyuk pagkatapos ng kaniyang baptism sa Iglesia ni Cristo.
Tingnan ang mga sweetest moments ni Kristel kasama ang kaniyang boyfriend na si Suhyuk dito:





















