Promo pa rin ba ito ng movie nila o totohanan na ang kilig? By BEA RODRIGUEZ
Sweet na sweet ang Kapuso stars na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa promo ng kanilang bagong pelikula na No Boyfriend Since Birth sa Fisher Mall.
Binuhat ng hunk actor ala “bridal carry” ang kanyang leading lady mula sa stage hanggang sa tent. Saad ni Carla sa kanyang Instagram post, “Biro ko sa kanya sa bandang dulo nitong video, ‘Iuwi mo na kaya ako!’ kaya muntik nang lumiko papuntang parking. Waaah!”
Nagugulat na lamang ang aktres dahil sa mga paandar ni Tom. Kuwento niya, “[Itong] si Tom kung ano-ano ginagawa lately sa mga promo namin. Isang beses sinubukan akong nakawan ng halik sa CelebriTV na muntik na talagang matuloy.”
Marami umanong eksenang kagaya nito sa pelikula kaya iniyaya ng Kapuso star ang kanyang mga followers na manuod. Aniya, “Kaya kung gusto niyo ng mga nakakakilig na eksenang ganito, nood na ng NBSB na showing na today!”