Alden Richards reveals why he's a huge fan of BLACKPINK's Lisa

Hindi na sikreto na isang malaking tagahanga si Asia's Multimedia Star Alden Richards ng BLACKPINK main dancer na si Lisa Manoban.
Taong 2019 nang magsimulang magbahagi ang Kapuso aktor tungkol sa paghanga niya kay Lisa. Aniya noon sa interview ng 24 Oras, na-hook siya sa galing at ganda nito.
Minsan niya na ring nai-tag sa isang Instagram post ang K-pop idol kung saan sula ng aktor, "'Yung tinitingnan mo lang siya sa malayo..."
Sa interview ng Preview.ph, binanggit ni Alden kung bakit malaki ang paghanga niya kay Lisa.
"Actually hindi naman ako secret fan, but I'm a huge fan of Lisa of BLACKPINK. Because of the way she showcases the mastery of her craft in dancing and singing," sabi ng aktor.
Panoorin ang ilan pa sa fun facts tungkol kay Alden Richards mula sa Preview.ph dito:
BUKOD KAY ALDEN, NARITO ANG ILAN PANG PINOY CELEBRITIES NA K-POP AT K-DRAMA FANS:













































