Meet Diwata a.k.a. Deo Balbuena, ang tinaguriang 'Pares Overload Queen'

Kung dati ay naririnig lang ang salitang diwata kapag pinag-uusapan ang Philippine mythology, ngayon ay sikat na rin ito bilang pangalan ng LGBTQ+ member at Pares Overload Queen na si Deo Balbuena o mas kilala sa bansag na “Diwata.”
Sa social media, laging viral ang dinudumog na 24-hour pares business ni Diwata dahil sa umano'y pagiging “sulit” nito dahil sa halagang PhP100 ay may pares overload ka na, na may unli-rice, unli-sabaw, at isang bote ng softdrink.
Para sa mga nakakain na rito, hindi naman mismong pares ang binabalik-balikan ng mga tao kundi ang lasa ng tagumpay na nakamit ni Diwata dahil sa kanyang pagsisikap sa buhay.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating gay construction worker na nakatira sa ilalim ng tulay at madalas pagkatuwaan noon ay asensado na may sikat na negosyo na ngayon?












