
Very convincing ang portrayal ni Ken bilang isang transwoman sa 'Destiny Rose,' kaya hindi maiwasang itanong kung ano ang opinyon ng kaniyang mga magulang tungkol dito.
By MICHELLE CALIGAN
Very convincing ang portrayal ni Ken Chan bilang isang transwoman sa Destiny Rose, kaya hindi naiwasang itanong ng entertainment press sa binata kung natatakot ba ang kanyang mga magulang na maging bading ang kanilang anak.
READ: Michael de Mesa, walang sawang nagbibigay ng acting tips kay Ken Chan sa pagganap bilang transgender
"Wala silang worry about me. Hindi sila nag-alala para sa akin," agad na sagot ni Ken.
Dagdag pa niya, "Napakasaya nila po, at sila pa nga ang excited kapag uuwi ako galing taping. Sasabihin nila, 'Patingin ako ng picture mo,' sila 'yung excited makita ang picture ko na babae ako."
Naikuwento rin ng young actor ang plano niyang magbakasyon sa Hong Kong pagkatapos ng show, at kokonsulta na rin siya sa isang psychiatrist doon.
READ: Ken Chan to consult with a psychiatrist after 'Destiny Rose'
"Sabi din po sa akin ni Direk Michael de Mesa na 'Be careful, Ken,' Kasi siya, marami din siyang naging gay role, alam na niya kung anong proseso dapat. Ako po, bilang baguhan sa showbiz, nakikinig po ako sa kanila. And my parents po, they're planning na after Destiny Rose, pupunta muna ako ng ibang bansa. May kakilala na po ang parents ko [na psychiatrist] sa Hong Kong. One month po yata ako doon para mag-reflect, and para makatulong din sa akin kapag gumawa ako ng ibang roles sa GMA. Pagbalik ko, bago naman po, refreshed na."
Matindi man ang kanyang pinagdadaanan para sa role, very proud naman si Ken sa kanyang narating.
"I am really proud of myself now. Hindi lahat ng aktor ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon. Sobrang proud ako sa sarili ko na ako ang pinakaunang gumawa nito sa isang teleserye sa Pilipinas."
LOOK: Destiny Rose's celebrity look-alikes