Pepe Herrera sa nagpakalat na pumanaw na siya: 'May the Lords of Karma guide you'

Nabahala ang versatile actor na si Pepe Herrera nang napag-alaman niya na may kumakalat sa TikTok na fake news na namatay na siya.
Sa Facebook page ng aktor, naglabas ito ng pahayag para ipaalam sa mga fans at kaibigan niya na buhay siya.
Sabi ni Pepe, “Buhay na buhay po ako at tatanda hanggang 100 years old God willing.”
Meron din siyang mensahe sa taong nagpakalat ng death hoax: Aniya, “Sa gumawa nito, God Bless You and may the Lords of Karma guide you.”

Parte si Pepe Herrera sa box office movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na 'Rewind' na isa sa entry noong 2023 Metro Manila Film Festival.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang mga death hoax ng mga paborito ninyong celebrity at paano nila ito hinarap:




























