'Super Ma'am' actor Andrew Gan, inalala ang car accident na kinasungkutan noong 2020

Muling binalikan ng aktor na si Andrew Gan ang malagim na aksidente na muntik nang kumitil sa kaniyang buhay.
Sa Instagram post ni Andrew noong June 4, ibinahagi niya ang larawan ng isang sirang kotse kung saan sakay siya.
Kuwento niya sa caption, “Last 2020, We had a major car accident and we almost died. But when God stepped in, miracles happened. And it made me realize that life is way too short.”
Dagdag ni Andrew, “So appreciate life while you have a chance. That's why I'm so grateful for giving me another year to live.+1”
Dating napanood si Andrew Gan sa primetime serye na Super Ma'am kung saan bida ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Dito nakasama niya sina Jackie Lou Blanco, Jerald Napoles, Kristoffer Martin, at marami pang iba.
Samantala, alamin sa gallery na ito ang iba pang celebrity na nasangkot sa terrifying car accidents:



















