Get to know AR Dela Serna, Harry Roque's 'executive assistant'

Naging usap-usapan online kamakailan ang pangalan ng model, pageant contestant, at kauna-unahang Mr. Supranational Philippines na si Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna. Ito ay matapos makita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang ilang dokumento na nag-uugnay sa kaniya sa dating presidential spokesperson na si Herminio “Harry” Roque Jr.
Kamakailan lang ay ni-raid ng POCC ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Porac, Pampanga, kung saan nila natagpuan ang nasabing dokumento. Sa mga papeles rin na iyon napag-alaman na nagsilbing “executive assistant” si AR sa dating spokesperson.
Ngunit sino nga ba talaga si AR at paano siya napunta sa pagiging executive assistant?








